Thursday, April 28, 2011

People of the Philippines versus Haring Araw, et al.

by Peter F. Cantos

Ika-28 ng Abril, 9:16 ng umaga. Bumangon ako mula sa aking swimming pool na medyo nahihilo, akala ko nananaginip lang ako pero totoo pala na buong gabi akong nagba-backstroke sa sarili kong pawis. Tangina this, ang init. Lumabas ako sa azotea at nag-good morning sa 'Pinas, nag-unat na din ako ng aking mga kasukasuan at nagsindi ng bisyo. Bigla akong nagulat nang hindi ko pa man hinahawakan ang lighter, sumindi na ang Winston sa bibig ko. Unang himala ngayong araw. Tangina this, ang init talaga.

Dahil sa mahapding init na dala ng summer naisip ko na baka itinayo ang bahay namin sa taas mismo ng impiyerno. Dahil sa punyemas na init, lahat ng punks at adik na dating long hair eh mga kalbo na at, mas nakakabigla, naliligo na. Dahil dito, ayaw maglaro ng soccer ni Phil Younghusband kasi baka mangitim siya. Dahil dito, umiiksi ang pisi ng pasensiya ng mga tao 'sing iksi ng mga palda ng mga nagsasayaw sa noontime shows. Dahil sa punyetang tagaktak ng pawis ko, ang sagot na sa tanong na "What is the first planet in the Solar System?" ay Earth. 'Pag may sumagot ng Mercury sasampalin ko at tutuhurin ko sa mukha. Dahil dito, hindi ko magamit ang laptop ko ng matagal sa takot na baka matunaw ang mga laman loob nito. Dahil dito, hindi pumupunta si Iron Man dito sa 'Pinas. Sureball kasi na magiging abo siya sa loob ng bakal na outfit niya. Bakit si Captain Barbell kaya? Gawa lang kasi ata sa plastic at inipong tansan suot noon. Made in Bangladesh ang putangina. Tangina this, ang init talaga.

10:30 ng umaga, inatasan akong mag-ihaw ng aking lola. Conscription na may halong coercion ang naganap. Tangina this, ihaw time? Ni-ready ko na ang grill at ang mga liempo na isasalang. Aaminin ko sa unang sampal pa lang ng usok sa mukha ko, sumuko na ako sa sobrang init. Hiyang-hiya ako sa sarili ko, ngayon lang ako nakarinig na naihaw ang dapat magiihaw. Kung makakapagsalita lang 'yung mga liempo, siguro pinagtawanan na nila ko. Motherfuckers. Matapos ipasa ang trabaho, naghilamos ako dahil feeling ko naprito ng bahagya ang mukha ko.

Ano ba kinaganda ng summer? Bakit madaming nagaantay dito? Dahil sa bakasyon? Sa beach? Tangina hindi nga ko marunong maligo eh, mag-swimming pa kaya. Hindi lang temperatura ang tumataas ng sobra tuwing tag-init. Kasama na dito ang presyo ng ice water, kwarto sa mga resort, langis, palamig, toll fee, palaspas, atbp. Tumataas din ang bilang ng mga nagpapatuli at ang paggamit sa phrase ng "Putangina, ang init." by 500%. Putangina, ano maganda sa summer?

5:00 ng hapon, dahan-dahan humupa ang init ng araw. Nawala ang hapdi ng init na nararamdaman ko sa aking balat. Naalala ko bigla na may iba pa palang problema na mas kailangan tuunan ng pansin, mga problema na mas malapit sa'tin kaysa sa haring araw. Mga problema tulad ng tsunami, sistemang palpak, nuclear radiation, pagiihaw, nalalapit na concert ni Justin Bieber, atbp. Mga problema na hindi mawawala kung hindi bibigyan ng solusyon.

Summer? Relax, sa June lang malulunod ka na sa baha.

Digs ba?

Thursday, April 21, 2011

Gusto lang naman niya ng Mcdo fries.

by Peter F. Cantos

Minsan may nagtanong sa'kin kung pano maglaho. Hindi magpakamatay ha, maglaho. 'Yung parang David Copperfield shit. Itago na lang natin siya sa pangalang X.

Bakit nga ba gusto maglaho ni X?

Lunes, nag-almusal ng subpoena si X galing sa school niya dahil sa kasong honesty at friendliness. Martes, na-traffic sa EDSA si X at isang oras siyang nakaharap sa billboard ni Dingdong Dantes na naka-brief lang. Miyerkules, nabasted si X kay Y ('di tunay na pangalan) dahil inlab pa si Y kay W('di din tunay na pangalan). Huwebes, nasira ang laptop ni X dahil nilagnat ito sa putanginang init pero ok lang. Naisipan niya na lumabas na lang para bumili ng ice cream sa isang malapit na convenience store ngunit dalawang hakbang pa lang niya mula sa pinto eh tunaw na ito. Sabado, pinatawag si X sa school para sabihin na hindi siya ga-graduate dahil sa kaniyang kaso. Masyado siyang honest at friendly. Linggo, natalo sa ending si X at napag-inipan niya na binabaril siya ng kaniyang nanay sa tuhod dahil sa mga nangyari at siya'y napa-tangina this ng malakas. Inuulit ko, hindi po ako si X.

Marahil hindi sapat ang mga rason na ito para sa iba para tuluyang maglaho, marahil din na may mas malalim na ibig sabihin ang mga isinalaysay sa'kin ni X. Ang tanging malinaw eh hindi ko alam kung pano ko siya sasagutin. Ang naibigay ko lang sa kanya eh listahan ng mga pwede niyang tanungin tungkol sa nasabing topic. Nabibilang sa mga listahan na 'to ang mga bagay na mabilis maglaho o mabilis nang naglalaho.

Pwede niyang tanungin ang mga panda na ayaw magparami upang maligtas ang kanilang naghihingalong lahi.

Pwede niyang tanungin ang cocaine na dala ni Rep.Singson.

Pwede niyang tanungin ang mga guro, nars at engineer dito sa 'Pinas, ngunit bakit tila walang natira.

Pwede niyang tanungin ang mga phone booth na dating pinagbibihisan ni Clark Kent.

Pwede niyang tanungin ang milyong-milyong piso na ginamit sa fertilizer fund scandal.

Pwede niyang tanungin ang isang gallon ng ice cream na wala sa ref ngayong summer.

Pwede niyang tanungin ang baon ng mga bagong graduate ngayon.

At higit sa lahat, pwede niyang tanungin ang salitang pag-asa.

Magpunta ka ng Quiapo at doon may makikitang kang pampalaglag ngunit libutin mo man ang buong mundo wala kang makikitang pampalaho. Sa dami ng pwedeng problema ngayon, magtataka ka bakit wala pang naiimbentong ganito. Walang lusot sa mga problema na ibabato sa'yo, walang instant na solusyon. At sa tingin ko ay hindi na magkakaroon pa. Parehas man o hindi ang mga pinagdaanan niyo, aminin natin na may maliit na X sa loob natin nagaantay maglaho. Nagaantay mawala at magsalita ng kaniyang sariling siete palabras - "Gusto ko lang naman ng Mcdo fries."