Thursday, April 28, 2011

People of the Philippines versus Haring Araw, et al.

by Peter F. Cantos

Ika-28 ng Abril, 9:16 ng umaga. Bumangon ako mula sa aking swimming pool na medyo nahihilo, akala ko nananaginip lang ako pero totoo pala na buong gabi akong nagba-backstroke sa sarili kong pawis. Tangina this, ang init. Lumabas ako sa azotea at nag-good morning sa 'Pinas, nag-unat na din ako ng aking mga kasukasuan at nagsindi ng bisyo. Bigla akong nagulat nang hindi ko pa man hinahawakan ang lighter, sumindi na ang Winston sa bibig ko. Unang himala ngayong araw. Tangina this, ang init talaga.

Dahil sa mahapding init na dala ng summer naisip ko na baka itinayo ang bahay namin sa taas mismo ng impiyerno. Dahil sa punyemas na init, lahat ng punks at adik na dating long hair eh mga kalbo na at, mas nakakabigla, naliligo na. Dahil dito, ayaw maglaro ng soccer ni Phil Younghusband kasi baka mangitim siya. Dahil dito, umiiksi ang pisi ng pasensiya ng mga tao 'sing iksi ng mga palda ng mga nagsasayaw sa noontime shows. Dahil sa punyetang tagaktak ng pawis ko, ang sagot na sa tanong na "What is the first planet in the Solar System?" ay Earth. 'Pag may sumagot ng Mercury sasampalin ko at tutuhurin ko sa mukha. Dahil dito, hindi ko magamit ang laptop ko ng matagal sa takot na baka matunaw ang mga laman loob nito. Dahil dito, hindi pumupunta si Iron Man dito sa 'Pinas. Sureball kasi na magiging abo siya sa loob ng bakal na outfit niya. Bakit si Captain Barbell kaya? Gawa lang kasi ata sa plastic at inipong tansan suot noon. Made in Bangladesh ang putangina. Tangina this, ang init talaga.

10:30 ng umaga, inatasan akong mag-ihaw ng aking lola. Conscription na may halong coercion ang naganap. Tangina this, ihaw time? Ni-ready ko na ang grill at ang mga liempo na isasalang. Aaminin ko sa unang sampal pa lang ng usok sa mukha ko, sumuko na ako sa sobrang init. Hiyang-hiya ako sa sarili ko, ngayon lang ako nakarinig na naihaw ang dapat magiihaw. Kung makakapagsalita lang 'yung mga liempo, siguro pinagtawanan na nila ko. Motherfuckers. Matapos ipasa ang trabaho, naghilamos ako dahil feeling ko naprito ng bahagya ang mukha ko.

Ano ba kinaganda ng summer? Bakit madaming nagaantay dito? Dahil sa bakasyon? Sa beach? Tangina hindi nga ko marunong maligo eh, mag-swimming pa kaya. Hindi lang temperatura ang tumataas ng sobra tuwing tag-init. Kasama na dito ang presyo ng ice water, kwarto sa mga resort, langis, palamig, toll fee, palaspas, atbp. Tumataas din ang bilang ng mga nagpapatuli at ang paggamit sa phrase ng "Putangina, ang init." by 500%. Putangina, ano maganda sa summer?

5:00 ng hapon, dahan-dahan humupa ang init ng araw. Nawala ang hapdi ng init na nararamdaman ko sa aking balat. Naalala ko bigla na may iba pa palang problema na mas kailangan tuunan ng pansin, mga problema na mas malapit sa'tin kaysa sa haring araw. Mga problema tulad ng tsunami, sistemang palpak, nuclear radiation, pagiihaw, nalalapit na concert ni Justin Bieber, atbp. Mga problema na hindi mawawala kung hindi bibigyan ng solusyon.

Summer? Relax, sa June lang malulunod ka na sa baha.

Digs ba?

1 comment: