Tuesday, December 7, 2010

Nihilismo at pag-ibig.

Lugubriosity sa tanghaling tapat
A flash fiction by Peter F. Cantos, In memory of Ruslana Korshunova


Death is a celebration of life… there is hope.
- Ruslana Korshunova

Ika-21 ng Marso, taon 1999. Nakatingala si Juris sa walang hanggang himpapawid 'di inaantala ang sikat ng araw. Isang taong anibersaryo ng paghihiwalay nila ni Jeff. Isang taong nararamdaman niya ang daloy ng dugo sa bawat ugat ng katawan niya, ang tibok ng kanyang puso sa bawat hinga na mula nung araw na iyon ay bilang na bilang niya ngunit hindi niya makumbinse ang sarili na siya'y buhay pa. Typical break-up story shit 'ika nga.

- What does it really mean to be alive?

Bulong niya sa kanyang sarili.

Pinilit pigilan ni Juris ang daloy ng mga alaala sa kaniyang isip ngunit tila nagiging automatic ang lahat sa mga pagkakataon na tulad ng kinalalagyan niya ngayon. Mula sa una nilang pagtatagpo sa isang party ng mga kaibigan hanggang sa huling usap nila sa telepono. Psychology major si Juris, alam niya na hindi na nakakabuti ang mga nangyayari sakanya ngayong taon, at ngayong araw ang pinakamalala.

- Putangina, ano ba ginawa ko? Does he really need time this long to think? What did I fucking do to deserve this shit?

Mga sobrang original na banat ni Juris sa stressed-out na sarili.

Hindi alam ni Juris kung bakit siya iniwan ni Jeff. Ang tanging alam lang niya eh kailangan ni Jeff ng panahon upang mag-isip.

- Punyeta, mag-isip about what?

Pinilit mag-isip ni Juris ng mga sagot sa libu-libong tanung na naipon at umiikot sa utak niya. Naisip niya na matindi pang parusa ang pagiisip kaysa sa pagbibilad sa sikat ng araw sa tanghaling tapat. Kung pwede lang sumabog ang utak sa pagiisip eh siguro nabura na niya ang Maynila sa mapa ng Pilipinas sa magagawa niyang blast radius. Isang tanong ang biglang sumaling sakanya.

- What does it really mean to be alive?

Bilang isang Psychology major, sinubukan niyang gamitin ang kanyang mga napagaralan sa pilosopiya. Mula sa mga tinulugan niyang klase ni Aristotle hanggang sa mga boring shit ni Immanuel Kant. Why is there life anyway? Pinilit niyang bigyang tuwid kung bakit siya buhay at kung ano ang layunin nito.

- What is the purpose of life?

Layunin nga ba ng kanyang buhay na mag-antay ng limang daang taon para kay Jeff? Layunin ba ng kanyang buhay ang makahanap ng panibagong kasintahan? 'Yun lang ang mga bagay na naiisip ng makitid niyang utak sa mga sandaling 'yun nang bigla niyang napagtanto na iba iba man ang layunin ng buhay ng bawat tao, saan nga ba 'to lahat patungo. lsa lang ang destinasyon ng buhay , isa lang ang kaniyang absolute purpose.

- The purpose of life is to end.

Nakaramdam si Juris ng kapayapaan sa loob ng kanyang magulong isipan. Dahan dahan siyang naglakad sa dulo ng rooftop ng tintirahang gusali sabay pikit at bulong sa sarili.

- The purpose of life is to end.

Ang mga turo ng isang pompous prick.

by Peter F. Cantos

Pompous prick
You see there is only one constant. One universal. It is the only real truth. Causality. Action, reaction. Cause and effect.
- The Merovingian, Matrix Revolutions (2003)

Ang causality ay ang relasyon sa pagitan ng isang kaganapan (ang sanhi) at isang pang pangalawang kaganapan (ang epekto), kung saan ang ikalawang kaganapan ay resulta ng nauna motherfuckers.

Tama nga ba ang sinasabi sa'tin ng ating kaibigan galing sa pelikula na pinanuod lamang ng ibang ungas dahil sa mga barilan dito? Kung iisipin mabuti, hindi ba dapat ang simula ng lahat ay isang desisyon at hindi ang sanhi mismo?

e.g. Mescaline/Psilocybin time, trippy time.

Ang sanhi ay mescaline/psilocybin time, ang epekto ay trippy time. Isa pang pwedeng epekto nito'y hindi ka makapasok bukas o kaya'y ma-ulol ka sa mga gumagalaw na kulay. Ngunit kung susuriin mabuti, hindi ba nagsimula ang lahat sa desisyon na raratrat ka?

Choice is an illusion created between those with power and those without.
- The Merovingian, Matrix Revolutions (2003)

Bembang cradle

Meron nga ba tayong kontrol sa ating mga desisyon? Are we victims to an endless chain of events predetermined by a single previous event following the law of cause and effect? (See Determinism, sa Wikipedia libre.) So what the fuck is free will if choices are made to make you think you are in control of your own life? Para sa mga gagong motherfuckers na patuloy na niloloko ang mga sarili nila na pwede nilang magawa ang kahit na anong nais nila sa mundong ito. (Salamat, Ncx Real Famor.) Mag-isip muli.
Ngayo'y kakain muna ko kasi gutom na ko. Cause and effect. Au revoir motherfuckers.