Tuesday, December 7, 2010

Nihilismo at pag-ibig.

Lugubriosity sa tanghaling tapat
A flash fiction by Peter F. Cantos, In memory of Ruslana Korshunova


Death is a celebration of life… there is hope.
- Ruslana Korshunova

Ika-21 ng Marso, taon 1999. Nakatingala si Juris sa walang hanggang himpapawid 'di inaantala ang sikat ng araw. Isang taong anibersaryo ng paghihiwalay nila ni Jeff. Isang taong nararamdaman niya ang daloy ng dugo sa bawat ugat ng katawan niya, ang tibok ng kanyang puso sa bawat hinga na mula nung araw na iyon ay bilang na bilang niya ngunit hindi niya makumbinse ang sarili na siya'y buhay pa. Typical break-up story shit 'ika nga.

- What does it really mean to be alive?

Bulong niya sa kanyang sarili.

Pinilit pigilan ni Juris ang daloy ng mga alaala sa kaniyang isip ngunit tila nagiging automatic ang lahat sa mga pagkakataon na tulad ng kinalalagyan niya ngayon. Mula sa una nilang pagtatagpo sa isang party ng mga kaibigan hanggang sa huling usap nila sa telepono. Psychology major si Juris, alam niya na hindi na nakakabuti ang mga nangyayari sakanya ngayong taon, at ngayong araw ang pinakamalala.

- Putangina, ano ba ginawa ko? Does he really need time this long to think? What did I fucking do to deserve this shit?

Mga sobrang original na banat ni Juris sa stressed-out na sarili.

Hindi alam ni Juris kung bakit siya iniwan ni Jeff. Ang tanging alam lang niya eh kailangan ni Jeff ng panahon upang mag-isip.

- Punyeta, mag-isip about what?

Pinilit mag-isip ni Juris ng mga sagot sa libu-libong tanung na naipon at umiikot sa utak niya. Naisip niya na matindi pang parusa ang pagiisip kaysa sa pagbibilad sa sikat ng araw sa tanghaling tapat. Kung pwede lang sumabog ang utak sa pagiisip eh siguro nabura na niya ang Maynila sa mapa ng Pilipinas sa magagawa niyang blast radius. Isang tanong ang biglang sumaling sakanya.

- What does it really mean to be alive?

Bilang isang Psychology major, sinubukan niyang gamitin ang kanyang mga napagaralan sa pilosopiya. Mula sa mga tinulugan niyang klase ni Aristotle hanggang sa mga boring shit ni Immanuel Kant. Why is there life anyway? Pinilit niyang bigyang tuwid kung bakit siya buhay at kung ano ang layunin nito.

- What is the purpose of life?

Layunin nga ba ng kanyang buhay na mag-antay ng limang daang taon para kay Jeff? Layunin ba ng kanyang buhay ang makahanap ng panibagong kasintahan? 'Yun lang ang mga bagay na naiisip ng makitid niyang utak sa mga sandaling 'yun nang bigla niyang napagtanto na iba iba man ang layunin ng buhay ng bawat tao, saan nga ba 'to lahat patungo. lsa lang ang destinasyon ng buhay , isa lang ang kaniyang absolute purpose.

- The purpose of life is to end.

Nakaramdam si Juris ng kapayapaan sa loob ng kanyang magulong isipan. Dahan dahan siyang naglakad sa dulo ng rooftop ng tintirahang gusali sabay pikit at bulong sa sarili.

- The purpose of life is to end.

No comments:

Post a Comment