Monday, December 6, 2010

Antok s'il vous plait.

by Peter F. Cantos


Sleep is the cousin of death.
- African Proverb

Ika-6 ng Disyembre, 3:14 ng umaga. Huling hithit na ng bisyo na hawak ko sa aking kanang kamay. Routine na 'ika nga. Hindi ko talaga alam kung gising ako o tulog. Ganun ata talaga 'pag may insomnia ka. Minsan ayokong aminin na hirap ako matulog. Bandwagon shit na kasi ang labas, masyadong pogi ang term na insomniac para sakin eh. Hindi ko nga lang ma-gets yung mga tao na tingin eh cute sila pag alas-singko na ng umaga sila inaantok. Ayoko din ikonsulta 'to sa mga doktor. Pano na lang kung sabihin nila sakin - Tangina mo, andaming may cancer sa mundo, pero ikaw, di ka lang makatulog nagpapatingin ka na sa akin. Ungas ka pala eh.

Kung kilala mo ko sa personal, alam mo na hindi lang ako cute, lagi din akung late. Late sa klase, late sa ensayo ng kung anuman, late sa uso, late sa pagkain, late sa pag-ibig, at late sa putanginang lahat. At alam mo din kung bakit. Kasi habang nagtu-toothbrush ka sa umaga papasok sa kung saan ka man papunta, patulog pa lang ako.

Kelan nga ba ko nagsimula magpuyat? Ang tanging natatandaan ko na lang eh nung magka-cable TV kami at kahit alas-dos na ng umaga eh may mga cartoons pa din. Grade 2 ata ako noon. Ano ang dahilan? Duh, kasakiman sa cartoons. Kung masaya ka na nung bata na makanood ng cartoons sa umaga, ako hindi.

Hindi totoo na nakakabaliw ang hindi pagtulog. Mas nakakabaliw yung araw na haharapin mo 'pag wala kang tulog. Hindi din totoo na magiging jelly ace ang utak mo sa pagpupuyat at na may makikita ka sa salamin ng banyo mo pag dating ng alas-tres ng umaga. At lalong hindi totoo na nakaka-antok ang gatas, Valium, at pagratrat ng kung anu-ano. Ang tanging masaya lamang sa pagkakaroon ng insomnia - Ang makita ang mundo na payapa at mahimbing na natutulog sa paligid mo.

No comments:

Post a Comment