Rolling stones |
Choose life. Choose a job. Choose a career. Choose a family. Choose a fucking big television, Choose washing machines, cars, fucking compact music players, and electrical tin can openers. Choose good health, low cholesterol and dental insurance. Choose fixed-interest mortgage repayments. Choose a starter home. Choose your friends. Choose leisure wear and matching luggage. Choose a three piece suite on hire purchase in a range of fucking fabrics. Choose DIY and wondering who the fuck you are on a Sunday morning. Choose sitting on that couch watching mind-numbing spirit-crushing game shows, stuffing fucking junk food into your mouth. Choose rotting away at the end of it all, pissing your last in a miserable home, nothing more than an embarrassment to the selfish, fucked-up brats you have spawned to replace yourself. Choose your future. Choose life... But why would I want to do a thing like that? I chose not to choose life: I chose something else. And the reasons? There are no reasons. Who needs reasons when you've got shabu?
Swerteng dinalaw ako ng antok kagabi ng kahapon nang may biglang nag-message sa'kin na kaibigan. Wasak.
- Pre, pwede mag-request ng topic.
- Sige lang brad, you can have whatever you like. (Sabay wasiwas ng kamay sa mga imaginary kayamanan sa harap ko.)
- Sulat ka naman tungkol sa drugs.
- 'Yung masarap ba o 'yung mapait?
- 'Yung masarap.
Para bang nasampal ako bigla. Nagsusulat ako tungkol sa pag-ibig pero hindi tungkol sa aking pag-ibig.
Don't do drugs because if you do drugs you'll go to prison, and drugs are really expensive in prison.
- John Hardwick
Una sa lahat, linawin natin ang depinisyon ng droga. Ang droga ay isang bagay na nakakapagpababago ng normal na kalagayan ng katawan 'pag nakonsumo. Nabibilang dito ang alkohol, kape, Biogesic, at Flouracil. Ano naman ang mga ipinagbabawal na gamot? Ito ang mga sangkap, hindi kasama ang tubig at mga pagkain, na nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan at katawan ng tao na maaring abusuhin dahil sa mga epekto nito. Kabilang dito ang samu't saring stimulant (e.g. kape, tabako, shabu, at cocaine) depressant (e.g. alkohol, morphine, heroin, at opyo) hallucinogens (LSD, magic kabute, at mescaline) at kung anu-ano pa. Whatever works for you motherfuckers. Maliwanag na maliwanag, wala ang pag-ibig sa mga nabanggit kaya 'wag na sana ipilit. Kung ikaw ay nakatira sa ibang bansa malawak ang menu sa mga bagay na ganito ngunit sa'tin dito sa Pilipinas palaging dalawa lang ang specialty, bato (metamphetamine) o damo (cannabis). Ang paggamit ng mga ngayo'y pinagbabawal na gamot tulad ng opyo at marijuana ay halos 'sing tanda na ng mga relihiyon ng tao.
Bakit nga ba inaabuso ang droga?
Simpleng simple.
People think it's all about misery and desperation and death and all that shit, which is not to be ignored. But what they forget is the pleasure of it. Otherwise we wouldn't do it. After all, we're not fucking stupid. At least, we're not that fucking stupid. Take the best orgasm you ever had, multiply it by a thousand and you're still nowhere near it. When you're on something you have only one worry: scoring. When you're off it you are suddenly obliged to worry about all sorts of other shit. Got no money: can't get pissed. Got money: drinking too much. Can't get a girl: no chance of a ride. Got a girl: too much hassle. You have to worry about bills, about food, about human relationships and all the things that really don't matter when you've got a sincere and truthful 'habit'. Diba?
Dangerous drugs, ang dakilang equalizer ng Pilipinas. Lahat pantay pantay sa droga. Mayaman ka man o mahirap siguradong 'di ka patutulugin ng dos siyentos na bato. Siguradong hindi mawawala 'to sa bansang tumatakbo sa narco-politics.
Ano nga ba ang opinyon ng karamihan sa droga?
'Yung simpleng oo sa bawat gusto ko.
- Jullan Santos, 3-time competitive eating champion
Sang-ayon ako sa sagot ni Jullan na ang droga ang "oo" sa mga gusto mo. Malawak man ang kaniyang depinisyon sa droga, makaka-relate ang kahit sino mang nagnais ng "oo" sa buhay nila.
Ticket para makaiwas sa mundo na meron ka talaga.
- Carla Cinco, Black magic woman
Isa 'to sa kadalasang rason kung bakit gumagamit ng droga ang tao. Sawang sawa na siya sa shit. Gusto naman niya ng ibang shit. Ang tanong ay kung tama ba ang ginagawa niyang shit.
Love is my drug. Ang drugs eh pwedeng maging sanhi ng pagkabaliw sa isang tao at magdulot ng masama. Salot sa lipunan. Panira ng kokote. Panira sa buhay. Pero sabi ng iba, kailangan daw nila ng droga para maramdamang buhay sila. Parang nakakabuhay na nakakamatay.Ramdam mong buhay ka pero unti unti kang pinapatay. Yon, yon ang drugs. Malay ko ba.
- Joan Andres, Hungry young poet
Sinabi nang hindi kabilang ang pag-ibig sa mga droga. Technically, sumisinghot ka ba ng pag-ibig? Hindi. Tinuturok mo ba 'to sa sarili mo? Hindi. Masarap ba makinig kay Snoop Dogg 'pag in-lab? Hindi. Ngunit sang-ayon ako sa ideya ni Joan na kailangan ng iba ng droga para ma-feel ang essence ng buhay. May kaibigan kasi ko na feeling niya hindi siya humihinga 'pag wala sa impluwensiya.
Ang bawal na gamot ay gamot, mali nga lang ang paggamit kaya it causes harm. Go organic! (Mga sampung ulit.)
- Charls Andrew Hilvano, Premier leading man
Habang kausap ko si Charls, iniisip ko talaga kung naintindihan niya yung instructions ko. 'Di ko alam kung ang pagkakaintindi niya sa "Ano ang droga para sa'yo?" ay "Gumamit ka ng droga, right now." Pero sang-ayon ako kay Charls. Para sa'kin lang eh God made marijuana, man made beer. Who do you trust?
Ang droga ay isang bagay na pang-relax. Nagbibigay ito ng panandaliang aliw laban sa mga problema. Nawawala ka sa sarili mo kapag naka-take ka ng droga.
- Caroline Melendres, Very normal person
May mga taong gumagamit din ng droga para makapag-relax. Ang hindi ko lang maintindihan sa sinabi ni Carol eh kung paano ka magre-relax habang wala sa sarili.
Artificial means to another reality.
- Alfredo Porciuncula Pacheco, U.P. College of Medicine class 2015
Katulad ng sabi ng mga nauna, ang droga ay isang escape plan mula sa motherfucking world na sawang sawa ka na nang hindi namamatay. Pero Freds, meron din tayong natural dito. Gusto mo?
Musika. Andiyan siya pag naghahanap ako ng kasama, pag naghahanap ako ng nakakaintindi sakin.
- Gerald Boy, Survival expert/Music enthusiast
Sa lahat ng nakausap ko, kay Boy ako pinakanamangha at naawa. Hindi na niya kailangan ng palara at lighter para ma-high. Makarinig lang siya ng mga bagay eh solb na. Pero atleast hindi na niya kailangan maghanap ng mga supplier at bumili ng synthetic urine para sa kinaaadikan niya.
Marijuana for instance is an escape from reality. Minsan kasi sobrang dami mong iniisip na gusto mo munang magtago sa corner mo para lang makagetaway.
- Jared Real Famor, Photographer extraordinaire
Getaway, solusyon, at escape plan. Katulad ng mga nauna yun din ang opinyon ni Jared. Sa dami ng problema na pwede mo ma-encounter ngayon. Tangina, mas marami pa atang naiimbento na problema ngayon kaysa sa mga bagong kagamitan.
Ang droga ang kalaro mo sa madilim na silid.
- Kimberly Cruz, Top-notch student/Future housewife
Nakakapangilabot ang sagot ni Kim. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya nung panahon na kausap ko siya. Wala din ako naisip kasi hanggang ngayon eh kinikilabutan pa din ako. Ayoko na din pa malaman kung ano ang mga iba pang kalaro niya sa madilim na silid. Pero figuratively speaking, minsan ang droga nga naman ang nagiging karamay mo sa mga madidilim sa sitwasyon.
Fuck you, I don't take them. Go take your shit somewhere else.
- Ayaw mapangalanan na respondent
Ungas. Magkaibigan lang tayo tuwing raratrat ang puta. Tinatanong ka nang maayos eh.
Ang droga ay parang sex. Once you pop, you can't stop.
- Ken Solomon, Philosophical prodigy
Parang sinabi ng kapatid kong si Ken na ang sex ay parang pringles at ang pringles ay parang droga. Mahirap nga naman baguhin ang kahit anung bisyo. Maaari natin ikumpara 'to sa pagligo. 'Pag nakasanayan mo na maligo araw-araw papasok sa eskwela, ano mararamdaman mo kung walang tubig?
Salamat ang lahat ng nagbigay ng kanilang opinyon. Mabuhay kayo!
May karapatan nga ba tayong husgahan ang mga gumagamit ng pinagbabawal na gamot? Sila lang ba ang dapat sisihin sa mga nangyayari sa ating lipunan? Makakagawa ba si Jimi Hendrix ng mga swabeng kanta kung walang LSD? Ano kaya itsura ng buhok ni Bob Marley kung walang damo? Marahil hindi na natin malalaman. Hindi ko po layunin i-glorify ang paggamit ng bawal na gamot at hindi ko din po layunin na mag-promote ng diskriminasyon laban sa mga gumagamit. Basta't para sakin - sa mga hindi ng gumagamit ng droga, saludo. Sa mga gumagamit, apir.
naka'drugs ka ba ng sinulat mo to? jk. :))
ReplyDeleteyabang o, sikat na! haha! wag mo naman ako kakalimutan pag sikat na sikat ka na.
keep it up! galing galing! ;)