by Naja B. Daria
Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa pamilya?
Hanggang saan ang kaya mong ibigay para kumita ng pera?
Patay sindi ang ilaw,
Habang ganda niya ay nakakasilaw.
Naghihiyawan ang mga kalalakihan,
Di magmakamayaw sa umaapaw na kasabikan.
Sa bawat papuri sa kanyang alindog,
Katawan ay siyang handog.
Upang matugunan ang libog,
Ng ibang kalalakihang hambog.
Paano nga ba makakaalis?
Kung ang pera ay mabilis.
Sa bawat ginhawang kapalit,
Buhay ay pumapait.
O Nena, ika’y nasadlak sa dusa
Bakit binenta mo iyong kaluluwa?
Dignidad nga ba ay wala na?
Tanong ng lipunang mapanghusga.
Ilang buwan na rin ang nakalipas.
Unti-unti nang lumubog si Nena sa mundong sa kanya ay wala ng hubog.
Ilang gabi na nga ang nagdaan.
Ilang bar na napasukan.
Ilang entablado na ang nasayawan.
At sa bawat tugtog kasabay ng aliw,
Batid ni Nena na siya ay mali.
No comments:
Post a Comment