by Jullan C. Santos
Halos maga-alas onse na. Mainit, tila ba lalo pa nitong pinapaligalig ang aking isip-isip. Andito ako ngayon sa harapan ng aking kompyuter.
nakaupo habang pilit na hinihimay ang mga salitang nais kong ilakip sa aking maikling kuwento. Sa totoo lang sanay na ako sa paghahapit ng mga bagay na ganito. Sabi nga ng editor ko dapat raw ako sumali sa contest kung saan ay may time limit ang pagsusulat ng isang artikulo.
Hay, tingin ko kaya ko ‘yun. ‘Wag lang tungkol sa paksang nais kong isulat ngayon.
Masyado kasi itong malawak at komplikado. Madaming mga iba’t-ibang desisyon at pangyayari na hindi mo dapat ikumpara sa kung anu-ano. ’Ika nga ng aking guro, it is very subjective. Sa totoo lang hindi ko rin alam, hindi ko rin alam kung ano ba ang nararapat na isulat ko o dapat kung baguhin, o kung ano nga ba ang nais na basahin mo.
Eto pa! Malay ko ba kung may gagong bumabsa at tumatangkilik sa likha ko. O kung dapat ko bang isulat ang gusto ko o ang hilig mo.
Bakit nga ba ako naging manunulat? Sabi naman ng nanay ko walang pera dito. Nakakatuwa mang isipin pero simula pagkabata hanggang sa huling letra na iwan ko sa mundong ito, nagsulat pa din ako. Ikakamatay ko na ito. Kasi kahit minsan sa sobrang dami ng dapat kong isulat ay hindi ako umayaw. Oo, masakit, nakakangawit, kasama ‘yun eh. Kahit kailan hindi ako umayaw at nagsawa sa ginagawa ko.
Totoo. Sa propesyong ito maaari akong magpaiyak, magpatawa at magbahagi ng kung anu-ano. Pero hindi ko alam kung ano ang tingin nila. Kung tunay na nagbasa ba sila? Kung nagsawa na ba? O kung umayaw na ba? Totoo yan. Kung tutuusin artikulo ko ito eh. Ito rin ang lawig at sakop ng pagsusulat ko. Anu nga ba ang dapat kong tingnan? Ang manunulat o ang mambabasa?
Eto may isang gagong nagbasa.. Yang mga nililikha ng mga katulad mong manunulat,aba'y kahit papaano,may kapupulutan ng kung anu-ano yan. Kahit minsan puro katarantaduhan ang nilalaman pero kasuluk-sulukan niyang isinulat mo ay may magandang aral na makukunan. Books or in any form of writings (blogs, articles and etc.) can take us from darkness into light, from despair to hope, from disaster to triumph. Kaya ako, kudos! sa mga manunulat; lalo na sa mga gagong manunulat. Tangina niyo Jullan Santos at Peter Cantos.
ReplyDelete-J.U.