by Peter F. Cantos
Isa sa mga New Year’s resolution ko ngayong taon na hindi na gawing New Year’s resolution ang pagtigil sa paninigarilyo kahit kailan. Alam ko na madaming pwede mangyari dahil sa paninigarilyo, mula sa emphysema’t bad breath hanggang sa mga sirang laptop dahil sa naipon na upos sa keyboard at mga damit na may paso. Ang paninigarilyo ay parang pagkanta sa videoke: masaya lang ‘pag ikaw ang gumagawa nito, perwisyo para sa iba. Ayoko din naman nakakaamoy ng usok na binubuga ng iba at lalong ayoko ‘pag naninigarilyo sila at hindi ako binibigyan.
Make no mistake about it: smoking is a filthy, filthy habit. And goddamn, it feels good.
Matagal ng ipinagbawal ang advertising ng tobacco dito sa ‘Pinas. Bata pa ata ako nung huli kong makita ang mga cowboy ng Marlboro country at marinig ang jingle ng Hope ngunit magtataka ka dahil habang sinusulat ko ‘to eh sure ako na may 18 million na pinoy na nagsisindi ng kani-kanilang yosi ngayon. Bakit kaya?
Masarap manigarilyo habang nagkakape, nagso-softdrinks, nagya-yakult, nagtsatsaa, umiinom ng kahit anong alak. Masarap manigarilyo pagkatapos kumain sa fine dining restaurant o kahit sa karinderia. Masarap manigarilyo kung walang ginagawa at kung maraming ginagawa. Masarap manigarilyo pagkatapos ng protected sex o unprotected sex. Masarap manigarilyo habang naglalaba. Masarap manigarilyo habang nagsusulat ng walang kuwentang blog. In short, it’s good with everything. It's the sort of pleasure that non-smokers would never ever understand.
Isa sa mga mainit na issue sa perlas ng silanganan ngayon ay ang paninigarilyo ni President P-Noy. Maraming mga tiga-DOH ang nagsasabi sa kanya na “Stop it, it’s bad for you. Set an example for the youth.” at ang tanging sagot lang niya eh “No thanks, I’ll quit at the appropriate time.” na ang ibig sabihin talaga para sa akin ay “Fuck off.”
Cut the man some slack will you. Napapanot na siya at kapatid niya si Kris pwede? Para sa’kin eh sapat na rason na yun para manigarilyo ka sa limang lifetime. Sa tingin ko ay oras na para tigilan natin ang sobrang interes sa private life ng ating presidente, it only shows na sobrang dami nating oras at wala tayong magawang matinong shit. Mas interesado pa tayo kay Shalani kesa sa mga economic policies, tangina.
Sumusobra na ang anti-tobacco campaign natin to the point na nare-relate na nila ang smoking sa immorality. Ano naman koneksyon ng Marlboro sa immoralidad? FYI, ang mga Nazi ng Germany ay hindi naninigarilyo at mas gusto nila ang usok mula sa mga katawan ng hudyo. Nazi Germany under Adolf Hitler had a strong anti-tobacco campaign. Ayon sa The Nazi War on Cancer ni Robert Proctor: "Thanks to the Ministry of Science and Education, and the Reich Health Office, posters were produced depicting smoking as the typically despicable habit of Jews, jazz musicians, Gypsies, Indians, homosexuals, blacks, communists, capitalists, cripples, intellectuals, and harlots."
Kailan pa naging malaking issue ang paninigarilyo ng isang tao? Oo masama at nakakamatay ito, but you could also make the same argument with lechon de leche, pagtawid sa commonwealth, pagsakay sa motor habang ang helmet mo ay made in Taiwan. Smoking kills? So does crispy pata dipshit. We discourage cigarettes pero ok lang sa’tin ang mga noon time shows na nagtuturo sa mga bata na magsayaw ng parang mga naka-shabung pokpok. Hindi naman issue ng national security ang paninigarilyo ni P-Noy kaya please lang.
Smoking is smoking but please don’t let the smoke being exhaled by a person cloud your judgment about him.
Dagdag ko lang, sabi sa isang movie ang benefits pa ng sigarilyo - you don't eat as much and you've got something to hold in your hand.
ReplyDelete