by Jullan C. Santos
Puwede kang dito magsimula. . .
May mga taong madaya tulad ko. Pero sa tingin ko lahat tayo gustong mandaya. ‘Onti nga lang ung may sapat na lakas ng loob umamin sa mundo o hindi pa lang talaga sila nakatungtong sa mundo.
January 11,2011
Stable vital signs
Nurse performs assesment
Intervention done
Respiratory rate = 42 breaths per minute
Heart rate = 145 beats per minute
BP 180/150mm/hg
Heart attack
Doctor enters the room
Mahirap mamatayan.
Totoo. Maaring hindi ko pa ito nadadama ng literal at kung puwede lang eh wag na muna. Pero base sa obserbasyon at mga kuwento. Putangina. Ayaw ko.
Pero ganon talaga. Wala kang magagawa. Tulad ng ham, spam, delata, at ang paborito kong manok. Lahat nagiging expired. Kahit ang tao.
Ang kaibahan nga lang eh ung expiration date. Kasi ang sa mga delata eh may definite na katapusan at pagkapanis. Pero ang tao, kahit gulay na siya hindi mo pa alam kung kelan ‘yan lalayas.
Pero meron din ditong mga exception to the rule. Mga ungas na nagapapapanis ng maaga. Tulad ni Nicolas Cage sa pelikula niyang Ghost Rider. Ni Houdinni nung nag magic siya sa glass water tank na sealed at ang mga taong 15 times uminom ng coke kahit may family history ng diabetes.
Nakakatuwa lang kasi yung mga delata. Mayroong 2013, 2011 at kung ano-anong date ng expiration. Pero kung umabot sila sa expiration nila at hindi sila nakain. Hindi ba nawalan na sila ng silbi? Kaya kung ako sa inyo kakainin ko sila bago pa man sila mapanis.
Isa pa. Kahit si Ghost Rider may nagagawa kahit kung ano-ano ang ginaagwa niya sa motor niya. Maging si Houdinni may na- acheieve bago siya malunod doon sa tanke niya. At oo pupusta ako ung mga may history ng diabetes eh may mga ginagawa din yang kung anu-ano. So masasabe ba nating ok lang ma-expire ng maaga basta nagawa mo na ang silbi mo? Minsan itatanong ko yan sa delata.
Napagalaman ko din na ang SPAM pala ay may taglay na 2100 kilo calories na maaring magbigay sa atin ng sapat na lakas para gumalaw sa isang buong araw. Ang lakas na ito ay maari nating gamitin upang manunog ng mga bahay. Magpakalunod sa tangke at uminom ng coke kada 15 minutes. Totoo kahit ano puwede. Kahit ano na tatatak. Kahit anong maaalala.
Kasi sa mundong napapanis. Ung maiiwan mo ung mahalaga. Sinubukan itong gawin ng mga sinaunang tao. Tulad ng mga paraon sa Ehypto. Ng mga Ifugao sa rice terraces. At ni Jullan Santos sa binabasa mo ngayon.
Maaari ring dito ka magsimulang magbasa. . .
Sa katapusan ng inilathala kong storya. Hindi ko alam kung bakit dito ka nagsimula or kung meron ngang dito magsisimulang magabasa. Pero kung meron man sa tingin ko pareho tayo. Tulad ko gusto mo ring mandaya. Gusto ko ding malaman agad ung ending. Mag-skip. Tumalon at kung saka-sakali may mabago. Kapatid ‘di man tayo tulad ni Houdinni na may naitatak na sa mundo. Or kung ikaw meron na hindi ko lang alam kung ano. Wala talagang short cut. Wala talagang easy way. Babalik at babalik ka sa taas ng storya ko. Para malaman at basahin mo.
Na ang nagyari nung January 11, 2011 kapag binasa mo simula sa taas (simula sa stable vital signs) ay magsasabi ng pagkamatay ng isang tao. Pero kung ito’y babaligtarin mo (basahin simula sa pagpasok ng doctor sa kuwarto) eh magiiba ang kuwento.
Saan ka man magsimula magbasa hindi na mahalaga. Sa taas man o baba. Malinis ka man maglaro o maduga. Promise. Basta nabuhay ka ok na. Basta may nabago ka masaya na. At pustahan tayo kahit shit ka pa. Pucha pag nawala ka. Sayo’y may aalala.
Ayan ang buhay. EXP Aug 2030
the last 5 sentences says it all. SUPERB! two thumbs up plus my two big toes! :)
ReplyDeleteMAHUSAY KA SANTOS! Gusto ko 'to!
ReplyDelete