by Joan L. Andres
Zygomaticus Major, ano daw?
Sorry na sa mala-nose bleed kong title pero para sa mga taong nasa medical field, o sige para narin sa mga taong masyadong curious sa buhay, siguro naman alam niyo kung ano yang nasa title ko. 2 words, English, tao (Pwede), bahagi ng katawan ng tao (Oo), sa taas, sa mukha (Oo), facial muscle ba ito? ZYGOMATICUS MAJOR!
Oo isa siyang facial muscle. At oo, ikaw na din ang Pinoy henyo. Talino mo ah? Ikaw na talaga!
Nagtataka ka na siguro kung bakit sa dinami dami ng pwedeng maisip na topic eh naisip ko pang pagusapan ang tungkol sa muscles ng mukha. Hindi, hindi ako maglelecture. Wala rin akong balak pa magsabi ng isa pang klase ng muscle. Nakakahiya baka mamali pa ako ng spelling.
Lie To Me TV Series Synopsis:
Imagine having the ability to tell whether or not someone is lying just by observing their facial or body movements -- would it be a blessing or a curse?
The Lightman Group, headed by Dr. Cal Lightman, work with law enforcement agencies all over the country to expose the truth in criminal investigations.
Specialists who each have their own unique ability in "deception detection" surround Dr. Lightman to uncover some the most heinous crimes ever committed.
While Lie to Me focuses on solving crimes, the series also delves into the deceptions these characters must deal with within their personal lives. Handling the truth isn't always an easy task to manage from the ones you love.
O hindi ba, sosyal? Pinoy henyo ka na, kaya mo pang basahin ang paggalaw ng isang tao. Non verbal cues ikaw nga. Takot ka? Deads ka lang kung ganyan kagaling ang nanay mo. Siguradong babawasan niya ng 50 pesos ang baon mo at magkakacurfew ka kahit pa sabihin mong napupunta sa pagpapaphotocopy ng notes ang pera mo at nalalate ka ng uwi dahil may group study kayo after class.
Magsabi ka ng totoo iho.
Baliw na baliw ako sa TV series na iyan. Napakahusay ng director at writer ng nasabing series. Sa unang season na napanood ko, ni isang beses ay hindi ko mahulaan ang mga salarin. Hindi ko mahulaan kung sino ang nagsasabi ng totoo. Napakahusay. Nakapaninindig balahibo, walang biro.
Napakagaling ng twist ng istorya. Hindi siya tulad ng ibang palabas na ay, alam mo na kung sinong pumatay, kilala mo na kung sino ang biktima, alam mo na na madadapa na siya sa tuwing hinahabol na siya ng papatay sa kanya. Madadapa pa siya habang tumatakbo with matching lingon sa likod sabay dapa at biglang nariyan na yung humahabol papatayin na siya pero hindi rin siya mapapatay kasi siya yung bida.
Sa husay ng twists at galing ng istorya hindi mo mapipigilang panoorin ang mga susunod na episodes. Nakakabaliw talaga.
Para naman matuwa ka, tuturuan kita kung paano magbasa ng mukha ng isang tao. Mahuhuli mo kung sila ba’y nagsisinungaling o hindi. Paalala: Wag ito ipapabasa sa mga magulang kung hindi, huli ka.
Ganyan ang mukha ng nanay mo kapag umuuwi ka ng gabi. Tandaan mong nakababa ang kilay at halos magdugtong na, nanlilisik ang mga mata at numinipis ang labi. Magtago ka at ‘wag mo na hayaang magsalita pa ang taong ganyan ang mukha. Galit na ‘yan kahit sabihin pa niyang “I’m fine.”
Ito naman ang mukha mo pag nakaharap ka sa salamin. Aminin mo na, kahit sabihin mong “Maganda ako.”, hindi mo maitatagong tumataas ang bibig mo at nagwriwrinkle ang nose mo. Sorry pero, tingin ka ulit sa salamin. The truth hurts. Loko lang.
Siguradong ito ang mukha mo kapag yung mukha ng nanay mo eh yung unang larawan na pinakita ko. Sigurado ako, ganyang ganyan kasi ganyan din ang mukha ko kapag naririrnig ko ang armalite ng nanay ko. Tandaan mo ang apat na sensyales na iyan.
Ito naman ang itsura ko ngayon dahil may nagbabasa ng mga sinusulat ko. Happiness. Sabi sa series na ito ang totoong happiness daw ay yung lalabas yung crow’s feet wrinkles. Basta may wrinkles. Hindi crinkles ah, masarap iyon pero hindi iyon.
Ilan lamang iyan sa napakaraming matututunan mo sa series na ito. Siguradong hindi ka makakaaral ng husto, kapag nasimulan mo ito. Pero diba, take risks! Malay mo, makaiwas ka sa galit ng nanay mo o mahanap mo yung nagnakaw ng pencil mo kanina.
Maari mong sabihing masaya ka pero ang mukha mo naman ay malungkot. Maaring mong sabihin na hindi ikaw ang kumain ng chocolate na nasa refrigerator pero may tinga ka naman na brown, este, may takot naman sa mukha mo noong mapagbintangan ka. Maari ka ring hindi magsalita sa kung ano ang nararamdaman mo pero hindi mo lang alam, nagsasalita na pala ang mga galaw mo. Kaya ng kahit na sino ang magsinungaling pero hindi mo kayang takpan ang microexpressions mo.
Magsabi ka na lang ng totoo diba?
Tandaan nating hindi lahat ng sinasabi ay totoo at hindi lahat ng totoo ay sinasabi.
Manood ka na. Sabayan mo ako.
No comments:
Post a Comment