Saturday, January 8, 2011

Tamis ng unang tikim.

by Jullan C. Santos

Unang tikim.

January 8,2011 sa maniwala kayo’t sa hindi sa pagpasok ng taong ito kaninang umaga lang ulit ako nakatikim ng isda.

Oo, sinigang na pink salmon ang naisipang iluto ng aking butihing inay. (Ulam yon mga sira)

Nakapagtataka. Pumasok na naman ang taon. Pumasok na naman ang hamon ng panahon.

Madami na namang bago. Madami na namang una.

Ang dila ang isa sa mga pinakamalulupit na parte sa katawan ng tao. Kung gagamitin mo itong maigi maari kang umuwi ng maaga ‘pag duty o hindi magbayad sa taxi.

At kung ikaw ay talagang tunay na malupit. Masasakop mo ang Beijing at New York kahit wala kang gamit.

Madami din itong silbi. Isa sa mga paborito kong gamit dito ay ang pagdating sa (Excuse me sa mga nakakakilala sakin.) pagkain. Oo, pagkain.

Maalat, matamis, mapait, lasang graba, papel, bakal at kung anu-ano pa. Isa ito sa ating five senses na nagdudulot ng kung ano-anung hiwaga.

Sa unang tingin simple lang naman ito eh. Titikim ka at isasalpak mo sa bunganga mo. Mayroon mga sensors na maga-identify kung sweet, sour, bitter, salty at meron pa nga daw bago eh 'yung umami. Syempre kailangan din ng dila ang utak. Ina-identify nito kung ano ba ang lasa, inaalala kung baga. Simple pero kamanghamangha.

Naisipan kung magbuklat ng ilang pahina at ilang website (hindi porn) para makapagtika sa nasabing topic. Tangina. Kumplikado pala. Meron pa akong nabasang transmission, axon at kung anu-anong anatomical term. Sa maniwala kat sa hindi meron pang nakalagay doon na psychological factor.

Totoong kumplikado ang buhay. Kumplikado din ang ating mga unang tikim. Pero alam mo ang mas kumplikado ang taong tumitikim.

Ang tao ay binubuo ng iba't-ibang system na pinagtutulungang patakbuhin ng iba’t-ibang organ. Ang mga organ na ito ay gawa sa ibat-ibang tissue na kung papaliitin mo pa ay magiging cell. Alam ko may mas maliit pa sa cell pero tangina hanggang dito na lang pwede?

Ang cell also known as building blocks of life ang pinaka basic na alipin sa katawan ng tao. Ito ang nagtratrabaho. Nagde-deliver. Naglilinis at nagse-secrete ng kung ano-ano. At maniwala ka kung pwede lang sila magmura. Siguro 4 years old pa lang tayo nakarinig ka na ng puta.

Habang ako’y nagababasa narinig ko ang tungkol sa cellular clock. Nung una ko 'yung nakita kinabahan ako kasi kala ko may relo din sila. Pero ang ibig palang sabihin noon eh may panahong titigil na din sila sa kanilang functions at mamamatay.

Pero ang mas malupit dun eh napapalitan sila ng bago. Dahil nagre-replicate at nagmu-multiply sila. Habang binabasa mo ito mayroon ng libo-libong cells na namatay at nareplicate sa iyong katawan (for exact number refer to your nails).

Alam ko pangarap kong maging mangagamot at alam ko nagulat ka din dahil may nakalagay na nagbasa ako ng libro. Pero mas magugulat ka sa sasabihin ko.

Sa kada unang tikim mo ng kahit ano. Kahit kung ano mang sakit 'yan at sarap na nalasahan mo. Matapos ang ilang segundo at minuto napapalitan ka na ng cells na bago. ‘Yung cells na ‘yun na bumubuo sa tissue mo. Tissue sa organ. Organ sa system at system sa tao.

Oo, napapalitan. Nagbabago. Parang laging new model. Kaya sa tuwing makakatikim ka ng sakit at sarap after ng ilang minuto. Bago ka na ulit. Pwede ka na ulit mag-“unang tikim” ang tanong diyan eh susubo ka pa ba?

Nagbabago ang komposisyon ng katawan natin. Noong 1990 wala ka pang beer belly pero ngaun 2011 di lang ata yan beer pare.

Pero alam mo may hindi rin napalitan eh. ‘Yun eh ung alaala mo. Alaala ng unang tikim mo. Sabi kasi sa siyensa. Kapag may nabuo ng memorya sa utak mo at it ay na-convert from short to long term. Wala ng alisan pa ito. Lage ng nasaiyo mapa concious,subconcious at unconcious pa mang parte ng psyche mo.

Hindi problema ang unang tikim. Maniwala ka man o hindi lahat yan may sarap na naipaparating. Pero ‘yung unang alaala. ‘Yung unang memorya. ‘Yun ‘yung tumatatak at ‘yun ‘yung mahalaga.

Malay natin sa susunod na ilang taon meron na din bago. Kasi ‘yung lang naman ang bago sa mundo eh ang pagababago. After 3 to5 years napapalitan na pala ang utak ng tao. Namo-modify , naa-alter. Ang tanong eh tao pa ba tayo?

Ngayon bago na naman ang panahon. Bago na naman ang taon. Ano na naman ang unang tikim mo? At ano ang unang alaalang isasama mo?

No comments:

Post a Comment